What is it like, living and writing as a woman in the late 1980s, beholden to contradictions of intellectual labor and the feminization of it? In this collection of thirteen stories, Luna Sicat Cleto offers us fragments of that remaindered life.
Luna Sicat Cleto is a playwright, essayist and fictionist. She teaches Malikhaing Pagsulat and Panitikan courses at the Departamento ng Filipino at Panitikan ng Pilipinas in UP Diliman. She is the author of Makinilyang Altar, Mga Prodigal and Bago Mo Ako Ipalaot. She is also an awardee for the Gawad Pambansang Alagad ni Balagtas for Fiction in Filipino in 2019, and the Madrigal Gonzalez Prize for Best First Book, among others.
Si Luna Sicat Cleto ay mandudula, makata, at kuwentista. Siya rin ang awtor ng mga nobelang Makinilyang Altar at Mga Prodigal.
Nagwagi siya ng Filipino Readers Choice para sa Translated Work nitong 2022, para sa akdang Typewriter Altar, salin mula sa Filipino ni Marne Kilates. Nailathala rin ng Philippine Writers Series ng University of the Philippines Institute of Creative Writing ang Huni at Pakpak: Mga Dula at Sanaysay (UP Press) nitong 2022. Ito rin ay nagwagi sa kategoryang best anthology para sa Drama nitong 2024 sa National Book Awards.
Kabilang sa mga gawad pagkilala para sa kanyang panulat ay nagmula sa Madrigal Best First Book Awards, Palanca Memorial Awards para sa kanyang katha, tula at sanaysay, at ang Gawad Balagtas para sa Katha sa Filipino nitong 2019. Ang akda niyang Bago Mo Ako Ipalaot ay isinalin sa Aleman ni Annette Hug, at inilathala bilang Offernees Meer ngayong 2024.
From embodying a literary megastar’s writer daughter and narrating about overseas contract workers in her novels to refining the languishing woman trope as a playwright, Professor Luna Sicat Cleto has done everything she can to escape the pitfall of replication. Now we see that this has been the case with her short stories all along. This
From embodying a literary megastar’s writer daughter and narrating about overseas contract workers in her novels to refining the languishing woman trope as a playwright, Professor Luna Sicat Cleto has done everything she can to escape the pitfall of replication. Now we see that this has been the case with her short stories all along. This newest selection of works chronologically collected by Isang Balangay Media Productions is a faithful testament to Sicat Cleto’s range and reluctance to repeat herself. A revelation, especially to those who don’t know her outside the glorious “Ang Lohika ng mga Bula ng Sabon” and Makinilyang Altar, probably her most popular work. She takes the playful and the fabulist’s route in the stunning openers “Alakdan” and “Ang Bayan ng Kosmopolit,” and proves that she’s comfortable with humour by deploying Dickensian caricature in academic milieu and sprinkling it with culinary prattle in “Delphi” and “Petri Dish.” In more minimalist settings, say, in the ill-fated lovers’ tale “Ang Babaeng Nakatanghod sa Labas,” the complex juxtaposition and untangling of the senses is made deceptively easy and plausible, as in “Bigkis,” a deeper, masterful dip into the intricacies of the domestic, and in “Kalat,” where castigating hoarders of things tangible and not seems the most natural thing to do. Tatlong Proposisyon ng Puting Hangin, the collection and the banner story written only some five years ago, is close-to-perfection LSC: postmodern, technical, witty, yet still razor-sharp psychological, unapologetically feminist, and uncouth-in-training, an indication that that she—as fictionist—is not done yet. In essence, this collection screams what should have long been proclaimed if LSC weren’t so modest and self-effacing: that she has experimented and played and enjoyed and done what all of us young ones think has never been executed before.
--RM Topacio-Aplaon
author of El Árbol de la Alegria
Isang pagtitipon ng mga multo ng panahon ang Tatlong Proposisyon ng Puting Hangin. Nangyayari ito sa “bayan ng kosmopolit,” sa “apartment na amoy-langka ang bawat kuwarto,” “sa mga bula ng sabon,” sa “petri dish,” sa “music room,” sa isang arts school sa Makiling, at may pagtanggi ang isang alakdan na si Jaime sa karahasan ng ritwal ng ba
Isang pagtitipon ng mga multo ng panahon ang Tatlong Proposisyon ng Puting Hangin. Nangyayari ito sa “bayan ng kosmopolit,” sa “apartment na amoy-langka ang bawat kuwarto,” “sa mga bula ng sabon,” sa “petri dish,” sa “music room,” sa isang arts school sa Makiling, at may pagtanggi ang isang alakdan na si Jaime sa karahasan ng ritwal ng bayan at monopolyo ng karapatan ng komunidad. Nasa katawan ng babaeng artista — si Bayang — ang kababalaghan. At tulad ng tauhan sa dula ni Henrik Ibsen, ng tauhan ni Luna na si Delphi, nagsasabing I’m mourning for my life. Napaka-interesante ng ginagawa rito ni Luna, isa ring pagtatagpo ng kaniyang talino at husay bilang mandudula, makata, kuwentista: kumakanta ang mga pangungusap sa ningning ng mga pagsa-alamat ng ating sikolohikal na topograpiya. Sa bawat kuwento, ang “Alon at Agos” ng dugo: nagnanaknak, nangangamoy, nangangambala sa kaniyang “psst, pssst.” Mamamangha ka sa pilosopikal na tayog ng mga diyalogo, sa gimbal ng katotohanan ng mga pangyayari sa kanilang “eternal present” at/ngunit “Wala nang halaga ang tuklaw. Nasa puso na niya ang awit.”
Mangangahas akong magdeklara: ito ang post-reyalismo ng ating panitikan sa ika-21 siglo: mahiwagang takot, ang ating arkipelagotik, at si Luna Sicat Cleto ay isang kosmopolitan na katutubo sa sopistikasyon ng wika’t teknik, global na tema at pamumulso sa lagay at takbo ng mundo, at sa gayuma nitong silakbo’t sindak; tili’t kiliti, landi’t lapot, saya’t kirot. Mapalad tayong mambabasa niya.
--Genevieve L. Asenjo
awtor ng Lumbay ng Dila
at Ang Itim na Orkidyas ng Isla Boracay
Isa ang tinig ni Luna Sicat Cleto sa mga matikas at matatas na tinig ng mga babaeng manunulat na humawan sa landas ng makabagong kuwento sa Pilipinas noong dekada 90. Patunay ang aklat na ito, Tatlong Proposisyon ng Puting Hangin, sa higpit at tatag ng kaniyang kapit sa danas, memorya, sarili at wika. Sa aklat na ito, pinakikita, pinaaamo
Isa ang tinig ni Luna Sicat Cleto sa mga matikas at matatas na tinig ng mga babaeng manunulat na humawan sa landas ng makabagong kuwento sa Pilipinas noong dekada 90. Patunay ang aklat na ito, Tatlong Proposisyon ng Puting Hangin, sa higpit at tatag ng kaniyang kapit sa danas, memorya, sarili at wika. Sa aklat na ito, pinakikita, pinaaamoy, pinalalasa, pinadadama at pinaririnig sa atin ni Luna ang iba’t ibang danas ng karahasan, kalungkutan, at pag-ibig. Nililiglig tayo ng mga kuwento, dahan-dahang winawasak, paunti-unting ginuguho hanggang sa lumitaw at umibabaw ang mga memorya ng buong buhay. May pait sa bawat salaysay dahil pinipilit tayong alalahanin ang mga pinagsikapan nating kalimutan. Ipinaaalala nito sa atin na hinding-hindi tayo dapat makalimot at lalong hindi-hindi dapat lumimot.
--Rowena P. Festin
awtor ng Ang Buang ng Bayan
Di na nga kailangang marating ang katapusan ng mga kuwento ni Luna Sicat-Cleto para makamit ang gantimpala ng pagbabasa. Dahil naroon na ito sa lugod na ibinibigay ng mga bagsak ng kaniyang mga salita at sa hagod ng kaniyang prosa na mararamdaman sa halos bawat talata.
--Allan N. Derain
awtor ng The Next Great Tagalog Novel
at iba pang Kuwento
Naiiba ang lapit ni Sicat Cleto sa pagsasalaysay; hindi siya humihilig sa karaniwang daloy ng pangyayari kundi sa pintig ng kamalayan ng mga tauhan, na mga alagad ng sining ang karamihan sa koleksiyong ito. Ang kanilang panloob na mundo ang tila nagiging protagonista. Higit na malinaw ang tingin nila sa mga nangyayari sa paligid kung kaya
Naiiba ang lapit ni Sicat Cleto sa pagsasalaysay; hindi siya humihilig sa karaniwang daloy ng pangyayari kundi sa pintig ng kamalayan ng mga tauhan, na mga alagad ng sining ang karamihan sa koleksiyong ito. Ang kanilang panloob na mundo ang tila nagiging protagonista. Higit na malinaw ang tingin nila sa mga nangyayari sa paligid kung kaya higit silang makikilala at mararamdaman ng mambabasa. Tila ba silip sa magnifying glass ang kanilang presentasyon ng damdamin at kapag sinadya ng masugid na narrator, maging ang tagpuan at di-nakikitang mga intuwisyon ay nagkakaroon ng sariling buhay at sandali ng matinding unawa. Mapagbagong danas ang bumasa ng alinman sa mga kuwento nitong awtor.
--Romulo P. Baquiran Jr.
awtor ng Aishite Imasu:
Mga Dagling Sanaysay sa Danas Japan
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.