01/50
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Ito ay orihinal na kontribusyon hindi lamang sa malikhaing pagsulat, partikular sa anyo ng maikling kuwento, kundi maging sa diskurso at talastasan ng peminismo sa Pilipinas. Ito pa lamang sa aking pagkakaalala ang unang pagkakataon na may sumulat
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Ito ay orihinal na kontribusyon hindi lamang sa malikhaing pagsulat, partikular sa anyo ng maikling kuwento, kundi maging sa diskurso at talastasan ng peminismo sa Pilipinas. Ito pa lamang sa aking pagkakaalala ang unang pagkakataon na may sumulat tungkol sa sitwasyon ng isang babaeng nagpasyang mamuhay mag-isa. Sana ito ay maging bahagi ng reading list sa mga courses natin sa pagsulat ng maikling kuwento…at mga kurso sa kababaihan sa Pilipinas sapagkat ito ay napaka-orihinal na kontribusyon.
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Napaka pamilyar ng kanyang wika at mga tauhan, relatable ika nga. Ang kanyang mga kuwento ay tigib ng detalye na pang-araw araw na buhay ng isang ordinaryong tao, quotidian at mundane. Payak ang wika at tahasan ang naratibo, walang pretensiyon, hin
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Napaka pamilyar ng kanyang wika at mga tauhan, relatable ika nga. Ang kanyang mga kuwento ay tigib ng detalye na pang-araw araw na buhay ng isang ordinaryong tao, quotidian at mundane. Payak ang wika at tahasan ang naratibo, walang pretensiyon, hindi mapagbalatkayo, hindi nangingimi, hindi nagpapa-impress. Pardoxical ang pagiging mag-isa. Mag-isa pero hindi nag-iisa. Ang kalipunan ng kuwento sa Solo Flight ni Rita dela Cruz ay tunay na bumasag sa mga istereotipikal na tauhan at pamantayang panlipunan ukol sa mga taong soltero o soltera.
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Ang mga kuwento sa Solo Flight ay tila pagbubukas ng awtor ng kanyang sarili at pagbabahagi ng kanyang panunuri sa buhay bilang babae.
Ang bisa ng panulat ni Rita dela Cruz ay ang pagpapamalas sa atin sa paraang sariwa at natatangi ng mga ordinary
Departamento ng Filipino
at Panitikan ng Pilipinas
University of the Philippines Diliman
Ang mga kuwento sa Solo Flight ay tila pagbubukas ng awtor ng kanyang sarili at pagbabahagi ng kanyang panunuri sa buhay bilang babae.
Ang bisa ng panulat ni Rita dela Cruz ay ang pagpapamalas sa atin sa paraang sariwa at natatangi ng mga ordinaryong episodyo ng kababaihan. Sa magaan niyang prosa, makakaugnay at nagiging matalik nating kaibigan ang mga tauhan sa kuwento. Perpektong kasama ang kaniyang aklat sa ating pagmumuni sa pag-iisa at pakikipamuhay sa lipunan. Hinihikayat tayong suriin ang ating buhay at ipaalam na hindi tayo kailanman nag-iisa.
Department of Filipino
University of Sto. Tomas
Mapanghamon ang pagiging isang single woman sa Pilipinas at ang mga akda katulad nito ay mahalaga hindi lamang sa mga babaeng single kundi para sa lahat na mabuksan ang ating isipan na kilalanin, tanggapin at ipagdiwang din ang pagiging single. Nirerekomenda ko na mabasa ninyo ito upang l
Department of Filipino
University of Sto. Tomas
Mapanghamon ang pagiging isang single woman sa Pilipinas at ang mga akda katulad nito ay mahalaga hindi lamang sa mga babaeng single kundi para sa lahat na mabuksan ang ating isipan na kilalanin, tanggapin at ipagdiwang din ang pagiging single. Nirerekomenda ko na mabasa ninyo ito upang lalo nating maintindihan na ang mga pananaw sa buhay ay dapat nating pagmunihan at tingnan yung reyalidad na ang pagiging babaeng nag-iisa ay dapat na ipagdiwang din sapagkat ito ay isang biyaya at isang pagkakataon na hindi man akma o angkop para sa lahat ngunit empowering sa mga ilan na pinipili ang disposisyong ito.
Department of Language, Literature,
and the Arts
University of the Philippines Baguio
Nakakaaliw magkuwento si Rita. Huling-huli niya ang isang moment na pagkatapos ay ipipresent niya ito sa kanyang readers na napaka-simple lang walang pala-palabok. Madaling basahin, madaling maintidihan. Swak din ang timing ng kanyang humor, nakakatawa talaga. Minsan ay nakakairita, minsan ay nakakalungkot.
Poet / Author of Forth
and Sa Pagitan ng mga Emerhensiya
Napaka-human ng karamihan sa mga tauhan. Laging naroon ang pag-amin ng ilan sa mga karakter kung paanong ang pag-assert ng kanilang kaligayahan o kakayahang magtagumpay, o ang pagtanggap sa sarili at kalayaang magpasya para sa sarili, ay hindi madaling bagay. It’s a constant stru
Poet / Author of Forth
and Sa Pagitan ng mga Emerhensiya
Napaka-human ng karamihan sa mga tauhan. Laging naroon ang pag-amin ng ilan sa mga karakter kung paanong ang pag-assert ng kanilang kaligayahan o kakayahang magtagumpay, o ang pagtanggap sa sarili at kalayaang magpasya para sa sarili, ay hindi madaling bagay. It’s a constant struggle.
Isa pa sa mga kamangha-mangha sa mga akda ay kung paanong hindi antagonistic ang arko ng aklat sa mga babaeng nagpasyang maging masaya o umayon sa conventions. Ang idinidiin lang siguro nito ay laging may kanya-kanyang ruta para maging masaya. Para maging buo.
University of the Philippines Diliman
Nakakarelate ako bilang mambabasa at mabilis siyang basahin ngunit matapang siyang magbitaw ng mga salita na minsan ay lumalabas na sa ating comfort zone. Kung hindi ka sanay, magugulat ka o minsan ay matatawa pa. Hindi nagpigil ang manunulat sa kanyang mga nais sabihin.
Taguig, Metro Manila
Nawa ay marami ka pang maisulat at maibahagi sa mundong uhaw sa bagong karunungan at perspektibo lalo na sa ikauunlad ng estado ng mga kababaihan sa komunidad at sa mundo ng literature.
Malalim at kumplekado ang mundo ng mga introverts. Ang pagdama ng lalim at lawak nito ay isang bukas na pag-anyaya na inihahandog ng ak
Taguig, Metro Manila
Nawa ay marami ka pang maisulat at maibahagi sa mundong uhaw sa bagong karunungan at perspektibo lalo na sa ikauunlad ng estado ng mga kababaihan sa komunidad at sa mundo ng literature.
Malalim at kumplekado ang mundo ng mga introverts. Ang pagdama ng lalim at lawak nito ay isang bukas na pag-anyaya na inihahandog ng aklat na ito. Layon nitong ibahagi sa mga mambabasa ang isang malayang mundo.
Osaka, Japan
Bagamat fiction, sinasalamin ng Solo Flight ang mga bagahe at karanasan ni Rita bilang isang introvert at bilang isang manunulat na babae na nag-iisa. Interesting ang 15 kuwento na kasama sa koleksiyon. Ngunit ang higit na tumatak sa akin habang binabasa ko ang mga kuwento niya ay ang mga karakter mismo. Nakaka-relate tala
Osaka, Japan
Bagamat fiction, sinasalamin ng Solo Flight ang mga bagahe at karanasan ni Rita bilang isang introvert at bilang isang manunulat na babae na nag-iisa. Interesting ang 15 kuwento na kasama sa koleksiyon. Ngunit ang higit na tumatak sa akin habang binabasa ko ang mga kuwento niya ay ang mga karakter mismo. Nakaka-relate talaga ako. Sa mga dialogues, mga bida sa kwento. Pati yung mismong commentary at stand ng characters sa ilang isyu sa lipunan. Higit sa lahat, nakita ko sa mga kuwento niya ang mga bagay na naglalaro sa isipan ko tungkol sa pag-iisa.
Si Rita ay ipinanganak sa Virac, Catanduanes. Lumaki at nagkaisip siya sa Los Baños, Laguna. Nagtapos siya ng B.S. Development Communication (Journalism) sa Unibersidad ng Pilipinas Los Banos at M.A. Filipino (Malikhaing Pagsulat) sa UP Diliman. Mahilig siyang magbasa ng libro at kumuha ng mga retrato. Madalas siyang tumambay sa kapihan para tumunganga at magmasid ng mga tao sa paligid. Naglilingkod siya bilang isang manunulat at editor sa Diliman, Quezon City. Ang “Solo Flight, Mga Kuwento” ay ang una niyang libro.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.