Si Dante at Virgil sa Impiyerno, pagkaraan ni William Adolphe Bouguereau, Akriliko sa Kambas, 60 x 78 Pulgada (2019) ni Irfan Hasan
Ayon kay Irfan Hasan, Si Dante at Virgil ang pinakamarahas na obra maestra sa kasaysayan ng bisyual na sining sa Europa. Sa tuwing pinagmamasdan niya ang larawan, may bago siyang natututuhan. At sa tuwing sinusubukan niya itong muling likhain, mayroon siyang bagong natutuklasan.
Si Dante at Virgil ni William-Adolphe Bouguereau
Nakabatay sa imahen ni Dante ng walang katapusang parusa at pagdurusa sa impiyerno ang pamagat ng libro ni Miguel Paolo Celestial na nagbibigay lunan sa labis-labis na ligaya at ligalig ng nakasanayan at halos hindi na matalikurang buhay ng kasalanan.
Disenyo ni Miguel Paolo Celestial
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.