Dala-dala ko ang panglaw sa aking kalooban. Sumama kayo. Kung makarating man tayo sa lilim ng kabaliwan, huwag ninyo akong bitawan habang naglalakbay. Iparirinig ko ang mga tunog na hindi ninyo kailan pa man naririnig. Iparirinig ko sa ’yo ang aking katahimikan. Hahayaan kong makarating sa iyo, pati ang aking kaluluwa.
Nakatira kami malapit sa dagat. Sa buhanginang iyon namalagi ang kabataan ko. Kaya siguro mahal ko ang dagat. Masarap matulog doon sa gabing tahimik habang umaawit ang banayad na hampas ng alon. Masarap managinip.
Malamig ang gabi sa piling ng kape't sigarilyo sa bakanteng tindahan ng pansit. May bagyo na naman daw sabi ng radyo ng dumaang bus. Mapapayakap ako sa sarili't pipitik ng abo. Nagkukulong sa gitna ng ulan. Sinisipat patagilid ang sumipot na bahaghari sa ilaw ng tricycle.

We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.