Sinuyod ng kanyang tsinelas ang mga mumunting bato sa kalsada. Hinayaan niyang kumapit ang alikabok sa naka-shave na mga binti sa suot na shorts na maong. At parang mga hanay ng maliliit na pulang langgam na gumapang sa kanyang loob ang sundot na umakyat sa burol na ito.
Itong burol ang nagsisilbing watchtower ng higit walong-hektaryang nakapalibot sa kanya. Pamana ng kanilang apoy Ati Bulalakaw. Makikita mula rito kung may mangangahas pumutol ng kahoy o kung may sunog.
Malayo ang dagat sa kanila. Nasa kabila ng Bundok Aliwliw kung saan tumatalbog ang kanyang paningin. Saan nakatayo ang satellite dish ng isang network ng cellphone. Sa kalawakan, natatandaan niyang leksyon noong Grade 4 sa pampublikong paaralan sa kabilang baryo ang ulap na nakalutang: cumulus. Pansamantala, para itong naging balloon na naglalaman ng utos, nagsusulputan kasabay ng nagkikislapang pana sa ulo ng diyablo na kailangang patayin upang maka-abante sa laro sa kompyuter na Ragnarok.
Naglaro sila ni Priya nito isang gabi.
Sa paanan ng bundok, parang kabuteng nagsusulputan ang mga yerong bubong ng mga kongkretong bahay. Isang bahaghari sa kanilang iba’t ibang kulay. Isang talaan ng Bangko Sentral ng Pilipinas sa palitan ng mga pera sa kanilang iba’t ibang laki at taas.
Papalapit, ang hilera ng mga punong niyog at kawayan sa magkabilang gilid ng pampang. Nakikilala niya pa ang mangilan-ngilang puno na nagkukubli ng sapa roon: kaimito, lumboy, banaba, kamunsil, madre de cacao, ipil-ipil.
Pagkatapos, isa uling malawak na palayan. Sang-ayon sa lakas ng init at ulan saka ihip ng hangin, nag-aaruga rin ito ng mais, melon, pakwan, kamatis, labanos.
Check out this great video
Dalawa ang dapat mahusay sa isang mahusay na nobela – ang kuwento at ang pagkuwento. Sa nobelang Lumbay ng Dila ni Genevieve L. Asenjo, malinaw at makabuluhan ang kuwento ng pagkabuhay ng kamalayan ng pangunahing tauhan. Mapangahas naman ang pagkuwento, hindi lamang dahil sa mga eksenang hindi karaniwang nababasa sa ibang nobela, kundi sa paggamit ng wikang kakaiba, Filipinong makabago, hango sa totoong buhay. Dahil dito’y pinaparangalan namin ang nobelang Lumbay na Dila sa pamamagitan ng isang citation at iginagawad namin sa kanya ang Juan C. Laya Prize for Best Novel in a Philippine Language.
Tubong Antique si Genevieve L. Asenjo na kasalukuyang nakatira sa Siyudad ng Pasay. Dalawampung taon na siyang nagtuturo ng panitikan at malikhaing pagsulat sa De La Salle University, Manila.
Siya si Pangga Gen ng Balay Sugidanun, isang online platform para sa mother tongue na isinakatuparan niya hango sa visyon ni Sadyah Zapanta Lopez pagkatapos ng unang labas noong 2010 ng Lumbay ng Dila. Sa bago niyang aklat na Ang Itim na Orkidyas ng Isla Boracay: Mga Kuwento (University of the Philippines Press, 2021), magpapatuloy ang kuwento ni Sadyah Zapanta Lopez, kasama ang bago niyang mga babaeng tauhan na sina Acay at Gingging.
Nangangarap siya ng early retirement para maging full-time na manunulat at magsasaka.
We use cookies to analyze website traffic and optimize your website experience. By accepting our use of cookies, your data will be aggregated with all other user data.